Thursday, October 27, 2016

Philippine Coastguard Caticlan, plantsado na ang preparasyon sa Undas

Posted October 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Philippine Coast Guard CaticlanNaka-heightened alert status na ngayong ang “Oplan Lakbay Kaluluwa ng Philippine Coastguard Caticlan ngayong Undas.

Ayon kay Philippine Coastguard Caticlan Lt. Edison Diaz, simula umano sa Biyernes Oktubre 28 naka-alerto na ang kanilang seguridad sa Caticlan Jetty Port para sa pagdagsa ng mga taong papunta at paalis ng Boracay.

Aniya, maglalagay umano sila ng passengers assistance center sa mismong harapan ng pantalan kasama ang kanilang K9 Unit maging ang Jetty Port at ibang mga ahensya na magbabantay.

Samantala, pina-alalahanan naman nito ang mga tatawid ng Boracay na mag-ingat at bumyahe ng maaga ng sa gayon ay hindi sila madelay sa kanilang pagbyahe.

Kaugnay nito, nagmamanman na umano sila sa mga pantalan kung saan sinabi pa ni Diaz na itatalaga na nila ang kanilang mga tauhan ngayong Biyernes hanggang sa araw ng Nobyembre kwatro ng kapareho ring araw para masiguro ang seguridad ng mga manlalakbay ngayong Undas.

No comments:

Post a Comment