Friday, October 28, 2016

Seguridad ng LGU Malay sa Undas sa Boracay, nakahanda na

Posted October 28, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for undasHanda na ang inilatag na seguridad ng Lokal na Pamahalaan ng Malay para sa Undas sa isla ng Boracay ngayong Martes.

Ito ay sa pamumuno ni Rowen Aguirre - Executive Secretary IV ng LGU Malay katuwang ang organic agencies, NGO's, Volunteers’, at force multipliers sa isla.

Nitong nakaraang araw ay nagpatawag ng meeting si Aguirre kasama ang mga nagpapatupad ng seguridad sa isla.

Dito napag-usapan ang kanilang binuong Oplan Undas at ang pagtatalaga ng mga force multipliers sa mga matataong lugar.

Dumalo sa nasabing meeting ang MDRRMO Malay kabilang si PO1st Condrito Alvares ng Philippine Coast Guard Boracay, PCGA Squadron 609 Capt Peter Tay,  Kabalikat Head PCGA Dep. Dir 609.1 RB Bachiller, BFP Boracay at ibang mga volunteer/enforcers organizations ng Boracay Action Group.

Samantala, ang Boracay PNP ay naka-alerto naman ngayon pa lamang dahil sa pagbuhos ng madaming turista bunsod ng long week end holiday at ng mga Halloween party at activities sa isla.

No comments:

Post a Comment