Posted October 24, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Mahigit limang
daan ang dumalo na mga partisipante sa ginanap na Cardio Pulmonary Resuscitation
o CPR ng MDRRMO-Malay nitong Sabado.
Sa pahayag ni Catherine
Fuljencio ng MDRRMO-Malay, malaki umanong bagay sa kanila na dinaluhan ito ng
mga hotel/resort owners, medical teams, health worker mula sa ibat-ibang Barangay
at mga boatman kung saan ibinahagi sa kanila ang tamang pamamaraan kung paano
gawin ang CPR.
Tinalakay naman
dito ang mga dapat gawin sa oras na merong mangailangan ng tulong kagaya ng
kung may nalulunod at heart attack na pinangunahan Raul Lapitan Pangulo ng
PHA, Chairman ng PHA Advocacy Committee Orlando Bugarin at OIC PRC Boracay-Malay
Chapter John Patrick Moreno.
Kaugnay nito, tinatawag
naman na Lay o Untrained Rescuers ang mga partisipante na nag-tratrabaho sa mga
hotel at Barangay Officials habang sa mga Trained Rescuers naman ay ang mga
nagtatrabaho bilang rescue operators.
Nabatid na
pagkatapos sumailalim sa training ng mga ito ay nakatanggap sila ng certificate
na sila ay pumasa sa tamang paggamit ng CPR.
No comments:
Post a Comment