Friday, October 28, 2016

DICT nagpa-planong maglagay ng mga call centers sa bayan ng Kalibo

Posted October 28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for call centersUpang makatulong sa mga naghahanap ng trabaho nagpa-plano ngayon ang Department of Information and Communication Technology (DICT) na maglagay ng mga call centers sa bayan ng Kalibo.

Ito ang napag-usapan sa ginanap na Capacity Development Workshop for Aklan ICT council and stakeholders sa Kalibo nitong nakaraang araw sa pangunguna ni Monchito Ibrahim Executive Consultant to the Secretary ng DICT.

Suportado naman ang programang ito ng mga negosyante sa probinsya at Provincial Government ng Aklan sa pangunguna ni Gov. Joben Miraflores. 

No comments:

Post a Comment