Friday, October 28, 2016

Panuntunan sa mga ipinagbabawal sa sementeryo ngayong Undas inilabas ng Brgy. Balabag

Posted October 28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Naglabas ng panuntunan ang Brgy. Balabag sa isla ng Boracay kaugnay sa mga ipinagbabawal sa loob ng sementeryo sa araw ng mga patay o Undas.

Base sa kalatas ng nasabing Brgy. mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala o pag-inom ng alak sa loob ng sementeryo, pagdadala ng mga matatalim na bagay o yong mga nakakamatay, kasama na ang pagsusugal at ang pagpapatugtug ng musika.

Samantala, ang mga lalabag dito ay huhulihin naman ng mga itinalagang otoridad ng nasabing Brgy.

No comments:

Post a Comment