Thursday, September 29, 2016

Resulotion sa pagbigay ng 20 % share na kita ng BFP sa LGU Malay, aprobado na

Posted September 29, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for memorandum of agreementAprobado na ang pagbabahagi ng 20 percent na kita ng Bureau of Fire Protection Unit (BFP) Boracay sa LGU Malay.

Naka-paloob sa Resolution No. 0034 na pinapahintulutan ni Mayor Ceciron Cawaling na magkaroon ng MOA o Memorandum of Agreement sa gitna ng lokal na pamahalaan ng Malay at ng BFP-Boracay na magbigay ng kanilang 20 percent na kita. Ito’y base narin sa nakalagay umano sa  Fire Code Revenues.

Itong resulosyon ay inaprobahan ng kometiba sa 12th Regular Session ng SB Malay noong nakaraang Martes.

Nabatid, na ito umanong kasunduan at perang mapupunta sa LGU Malay ay gagamitin rin para sa pag-maintain, pagbili ng equipment at pag-papaayos ng fire station.

Kaugnay nito, simula taong 2010 hanggang 2015 na nakolekta ng  BFP Boracay ay ibibigay ng DBM direkta sa LGU Malay.

No comments:

Post a Comment