Friday, September 30, 2016

Boracay, Champion sa 2016 National Duathlon sa Iloilo

Posted September 30, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Masaya ngayon na naiuwi ng tatlong naninirahan sa Boracay ang kanilang award matapos magwagi at maiuwi ang kampeonato sa katatapos na 2016 National Duathlon na ginanap nito lamang a-desi-otso ng Setyembre sa Iloilo.

Sina Medindo Milanes, Jovel Patricio, Timugen Tamayo ang mga naging pambato ng Boracay na nagbahagi ng kanilang galing sa larangan ng ganitong klaseng larong pampalakasan.

Nabatid na kinabibilangan ng ibat-ibang atleta mula sa ibang probinsya sa bansa ang mga sumali sa naturang kompetisyon.

Samantala, 3rd Place naman sa Triathlon Category si Melchor Labian sa Victoria sa Negros Occidental nito lamang Setyembre 25.

Kaugnay nito, malaki umanong karangalan para sa kanila na sumali sa ganitong klaseng kompetisyon kung saan hindi lang nagbigay sa kanila ng karangalan pati narin sa mga Boracaynon.

No comments:

Post a Comment