YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 27, 2016

Pag-abruba sa penalidad sa pabibigay ng limos at namimigay ng limos, isasailalim pa sa pagpupulong

Posted September 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for penaltyIsinalaysay sa himpilang ito ni Magdalena Prado ng MSWDO Boracay na kahit aprobado na ang ordinansa sa pagbibigay ng penalidad sa mga namamalimos at nagbibigay ng limos ay kailangan parin nilang sumailalim sa pagpupulong.

Ito ay may kaugnayan sa mga magpamilyang namamalimos  sa isla kung saan nitong nakalipas na araw ay 31 Badjao ang kanilang nasagip.

Nabatid na ipupulong ulit ni Prado ang mga Law Enforcers, Stakeholders kasama na ang miyembro ng SB Malay na nagsusulong ng ordinansa upang pag-usapan ang mga guidelines sa  pag-implementa nito sa Boracay.

Nabatid kasi, sa pabalik-balik na pamamalimos ng mga badjao sa isla ay naging problema na ito lalong-lalo na sa paningin ng mga turista.

Samantala, pino-proseso naman nila ngayon na magpasa ng regulasyon, kung saan meron silang itatalagang tao sa Port ng Boracay kung saan kung sinuman ang makita na bumalik ang mga ito ay hindi na paaalisin at sa halip ay huhulihin.

Nabatid na ang nasabing batas sa pagbibigay ng penalidad ay inaprobahan noong August 1, 2016 sa 4th Regular Session ng 17th Sanggunang Panlalawigan ng Aklan.

No comments:

Post a Comment