Thursday, September 29, 2016

23-anyos na lalaki sa New Washington, aklan arestado sa pagbebenta ng droga

Posted September 29, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for buy bust operationNahuli sa buy-bust operation ng mga pulis sa Barangay Tambak, New Washington, Aklan ang isang 23-anyos na lalaki.

Arestado si Renato Dela Cruz Jr., ng Poblacion New Washington sa isinagawang operasyon ng Municipal Anti-Illegal Drug Special Operations Task Group (MAIDSOTG) ng New Washington PNP at Provincial Anti Illegal Drug Special Operation Task Group (PAIDSODG).

Ayon kay Police Officer 2 Manny Lorenzo New Washington PNP, nabilhan ang suspek ng isang sachet ng suspected shabu kapalit ng P 500 kung saan sa isinagawa pang body search dito ay nakuha pa sa kanyang bulsa ang isa pang hinihinalang droga.

Sa ngayon, ang susupek ay nasa kustodiya na ng New Washington PNP at nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

No comments:

Post a Comment