Thursday, September 29, 2016

Paghuhukay sa isang construction site sa Kalibo, dalawang granada narecover

Posted September 29, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for grenadeAgad na ini-report ng construction worker na si Radel Maming sa may-ari ng lupa matapos nitong mahukay ang isang granada sa Sitio Talipapa, Brgy. Pook, Kalibo, Aklan.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Vengie Repedro ng Aklan Provincial Public Safety Company Explosives and Ordinance Team, ang nakitang granada ay isang MK2 Fragmentation Hand Grenade at M26 Fragmentation Hand Grenade.

Ayon pa kay Repedro  nakuha ang mga granada isang metro ang lalim sa hinuhukay na lupa at  nakasilid ito sa isang plastic container.

Nabatid na sa kanila pang pag-usisa ay matagal na itong nakabaon sa lugar kung saan posible umanong sumabog ito dahil kumpleto pa ang parti ng naturang granada.

No comments:

Post a Comment