Friday, September 30, 2016

Lalaki sa Boracay, kulong matapos pagbubuksan ang mga kwarto ng boarding house

Posted October 1, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongSa kulungan ang inabot ng isang lalaki matapos nitong pagbubuksan ang mga kwarto sa isang boarding house sa Sitio Hagdan,Brgy. Yapak, Boracay.

Kinilala ang nagrereklamo na si Reynaldo Cose, 43-anyos native ng Negros Occidental at pansamantalang nanunuluyan sa lugar.

Sumbong ng biktima sa Boracay PNP, wala umanong karason-rason ay pinag-papasok ng suspek na si certain “J.R” ang mga kwarto ng boarding at pinagbubuksan .

Nabatid na isa rin umanong boarder ang nagreklamo matapos umanong nagsisigaw ang suspek kung saan pinapalabas niya ang mga ito at nagsabi pang papatayin.

Dahil sa nangyari ay nagresulta naman ito ng takot sa biktima dahilan para ireklamo niya ito sa mga pulis.

Napag-alaman na meron umanong nervous breakdown ang suspek kaya nito nagawa ang insidente.

No comments:

Post a Comment