Posted September 28, 2016
Ni Alan Palma Sr, Yes FM Boracay
Nakatakdang ilunsad
ang Zero Carbon Resort for Sustainable
Tourism sa isla ng Boracay sa darating na Septyembre 30 taong kasalukyan.
Ito ay pinagsamang
proyekto ng Center for Appropraite Technology Philippines at Department of
Tourism kung saan layunin nila na matulongan ang mga nasa industriya ng turismo
lalo na ang mga nasa Small and Medium Enterprise o SME.
Isa sa mga
pag-uusapan ay kung paano makakatipid sa pag-gamit ng enerhiya at ang tamang
pamamaraan para hindi masayang ang puhunan dahil sa maling teknolohiya.
Ang proyekto ay
pinundohan ng European Union katuwang ang mga implementing partners sa Asya.
Inaasahan na
dadalo sa programang ito sina DOT-6 Reginal Director Helen Catalbas , Aklan
Governor Joeben Miraflores at Malay Mayor Ceciron Cawaling.
Samantala
pag-uusapan at ilalatag din ng Department of Tourism sa mga stakeholders sa
isla kung paano makakuha ng DOT Accreditation.
No comments:
Post a Comment