Friday, September 30, 2016

Driver ng motorsiklo, patay matapos mabungguan ng Oil tanker

Posted September 30, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for PATAYPatay ang isang driver ng motorsiklo matapos umanong mabungguan ng Oil Tanker sa Barangay Tagbaya, Ibajay, Aklan.

Ang biktima ay kinilala kay Robert Cahilig, 42-anyos, residente ng San Joaquin, Pandan, Antique habang ang driver naman ng Oil Tanker ay si Nerry Nacion, 38-anyos ng Bago City, Negros Occidental at ang kasamang pahinante nito na si Ruben Macahilas, 24-anyos ng Cawayan, Negros Occidental.

Base sa imbestigasyon ng Ibajay PNP, papunta ang minamanehong motorsiklo ng biktima sa Poblacion, Ibajay habang ang Oil Tanker naman ay papuntang Caticlan ng mag-overtake ang motorsiklo ni Cahilig dahilan para mabungguan ito na kanyang ikinamatay.


Samanta, ang driver at ang Oil Tanker ay nasa kustodiya na ng Ibajay PNP station para sa proper disposition.

No comments:

Post a Comment