Posted September 28, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sa ginanap na 13th
Regular Session ng SB Malay kahapon, nakapaloob sa Resolution No. 074 ang ordinansa
na ang lahat ng mga magpapalit ng kanilang franchise ay ni-rerequired ng kumuha
ng Electric Tricycle (E-trike) pampalit sa kanilang pinapasadang tricycle sa
isla.
Nabatid na ang ordinansa
ay para lang sa mga magpapalit ng kanilang mga franchise sa Boracay.
Bukod sa layunin
nito na maging iwas ‘noise at air pollution’, makakatipid pa umano ang mga
driver kapag E-Trike na ang kanilang gagamitin.
Ang E-trike ay
isa na ngayon sa makokonsiderang pinaka-magandang transportasyon ng mga
pasahero sa isla ng Boracay.
Nabatid na itong
ordinansa ay ipinasa noong Hulyo 22 taong 2014 at inaprobahan naman ng Agosto 12
ng kapareho ring taon.
No comments:
Post a Comment