YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 26, 2016

Bagong STP ng BIWC, gagana na

Posted September 26, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Photo Credit: Alan Palma Sr.
Binuksan na ang Manoc-manoc Sewage Treatment Plant ng BIWC ngayong araw.

Naging matagumpay ang pagbubukas ng nasabing proyekto sa pangunguna ni BIWC General Manager Mike Santos.
Ilan sa dumalo at nagbigay ng kanilang mensahe ay sina Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority OIC Regulator Atty. Ma. Teresa Alvarez, Manila Water Chairman of the Board  Fernando Zobel de Ayala, Aklan Gov. Miraflores kung saan ibinahagi nila ang magandang epekto na maibibigay ng bagong STP sa isla.

Ayon kay Governor Miraflores, hangad din nito na maumpisahan ang susunod na proyekto na Yapak Sewer Treatment Plant sa lalong madaling panahon para buong isla na ang ma-serbisyuhan nito.

Kung maalala, dalawang taon na ang nakalipas ng hingin ng stakeholder sa Boracay Water na magtayo ng bagong STP dahil sa hindi na kaya ng Balabag STP ang kapasidad ng used water ng isla.

Nabatid na itong bagong planta ay may kapasidad mag linis ng mahigit sa 5-milyong litro na waste water kada araw.

Samantala, inaasahan naman na magiging matagumpay ang  pag-operate ng pangalawang Sewage Treatment Plant ng BIWC sa isla ng Boracay dahil na rin centralized network of sewer line na inilatag.

No comments:

Post a Comment