Monday, September 26, 2016

Postponement ng Barangay at SK Election, pirma na lang ni Duterte ang kulang

Posted September 26, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for comelec malayHinihintay parin ngayon ng Comelec ang opisyal na desisyon kung matutuloy o hindi ang Sangguniang Kabataan (SK) at Barangay Election ngayong Oktobre.

Ayon kay Malay COMELEC Officer II Elma Cahilig, naka-abang pa rin ang kanilang opisina sa kahihinatnan ng eleksyon habang wala pang  mula mismo kay Pangulong Duterte.

Nabatid na malapit ng ilabas ang desisyong ito na ngayon ay nasa third at final reading na ng Kongreso.  

Ayon pa kay Cahilig, nakahanda ang kanilang opisina sa kung anuman ang maging resulta sa desisyon ng COMELEC National kung saan kanila ng pinaghahandaan ang registration sa taong 2017 na magsisimula sa susunod na buwan ng Oktubre.

Sa panukala, isinusulong na maiurong ang eleksyon sa October 31, 2016 at balak na gawin sa October 23, 2017.

No comments:

Post a Comment