Saturday, October 01, 2016

Tamang paggamit ng Address na Malay, pinuna ni sb graf

Posted October 1, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nakatakda ngayong i-refer sa Committee on Tourism na pinangungunahan ni Dante Pagsuguiron ng Sangguniang Bayan ng Malay ang tungkol sa tamang paggamit ng Adress na Malay.

Ipinunto ni SB Nenet Aguirre-Graf sa kanyang Privilege Speech sa 13th Regular Session ng Malay ang tamang paggamit ng Address na ito lalong-lalo na sa mga residente.

Napag-alaman kase na meron umanong hinihiwalay ang Malay sa Aklan.

Sinabi pa ni Graf, na kailangan na itong aksyunan upang hindi na malito ang mga tao at malaman nila ang wastong paggamit, katulad nalang umano sa pagpuna noon sa tamang paggamit ng Boracay at hindi “Bora”.

Sa kabila nito, naging usapin rin sa naturang sesyon ang paglalagay ng impormasyon sa TV ng port, bus airlines at maging sa mga tour guide ito’y upang malaman nila ang mga rules and regulation at kung anong merong kagandahan ang isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment