Tuesday, September 27, 2016

25-anyos na lalaki sa Ibajay, Aklan, sinaksak-patay ng sariling kapatid

Posted September 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for sinaksakSinaksak-patay ang isang 25-anyos na lalaki ng kanyang sariling kapatid sa Brgy. Aparicio Ibajay, Aklan.

Kinilala ang biktima na si Elvin Italia at ang suspek na kapatid nito na si Edito Italia Jr., 39 kapwa nakatira sa nasabi ring lugar.

Sa report ng Ibajay PNP, nasa ilalim umano ng nakakalasing na inumin ang dalawa ng magkaroon ng mainitang diskusyon na ikinapikon ng suspek dahilan para kumuha ito ng kutsilyo at sinaksak ang biktima

Nabatid na dinala pa sa Ibajay District Hospital si Elvin, subali’t idineklara itong DOA o dead on arrival.

Sa ngayon, patuloy naman ang ginagawang manhunt operation ng Ibahay PNP station para sa ika-darakip ng suspek na tumakas matapos ang insidente.

No comments:

Post a Comment