Tuesday, September 27, 2016

40-anyos na mister sa Nabas, Aklan arestado matapos tinaga ang asawa at anak

Posted September 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for arestado sa saksakArestado ang isang 40-anyos na suspek na si Jose “Jun” Villorente, Jr matapos nitong tagain ang sariling asawa at anak sa Brgy. Solido, Nabas, Aklan.

Kinilala ang biktimang asawa na si Maricar Villorente, 42-anyos  at anak nitong si Jasmine Villorente, 23-anyos ng nabanggit ding lugar.

Ayon kay Police Officer 3 Jo-an Roa ng Nabas Police Station, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa Ibajay District Hospital kung saan  tinaga umano ng padre de pamilya ang kanyang mag-ina.

Agad umanong ni-respondihan ng mga pulis ang lugar ng pinangyarihan ng insedente kung saan lumalabas sa imbestigasyon na nasa ilalim umano ng nakakalasing na inumin ang suspek ng umuwi sa kanilang bahay at nagwawawala kung saan bukang bibig nito ang kanyang anak na wala paring trabaho.

Nabatid, na dahil umano dito ay lumabas ang kanyang anak na si Jasmine sa kanyang kwarto at pinatatahimik na nito ang kanyang ama dahilan na ikinagalit naman ng suspek kung saan kumuha ito ng itak na itataga sana sa kanyang asawa.

Subali’t hinarang ito ni Jasmine na tumama naman sa kanyang mukha kasunod ang kanyang Ina na tinamaan naman sa kanyang noo.

Kasong Frustrated Parracide sa ilalim ng Republic Act 9262 ang isinampang kaso sa suspek kung saan naka-kulong na ito ngayon sa Aklan Rehabilitation Center (ARC).

No comments:

Post a Comment