Friday, September 30, 2016

Photographer sa Boracay, huli sa buy-bust operation

Posted September 30, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nahuli ang isang Photographer sa isang drug buy-bust operation sa Sitio Bantud, Barangay Manoc-manoc, Boracay kahapon.

Nakilala ang nahuling Photographer na si Ruel Sigre Baballo alias Jack, 37-anyos, native ng New Lucena, Iloilo at temporaryong nakatira sa nasabing lugar.

Ang suspek ay nahuli ng mga operatiba ng Malay MPS, Boracay PNP, Aklan Public Provincial Public Safety Company (SWAT) at Maritime Police.

Nakuha kay Baballo ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu at P1, 000 na buy-bust money kung saan sa isinagawa pang body search ay nakuha pa dito ang isa pang suspected shabu at 38. revolver na baril.

Sa ngayon ay nasa kustodiya parin ng Boracay PNP Station ang nasabing lalaki at nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa Sec 5 at Sec 11, Article II of RA 9165 sa pagbebenta ng iligal na droga at RA 10591 sa paggamit ng baril.

No comments:

Post a Comment