Thursday, February 25, 2016

“Special at fake permit” ng mga single motorcycle sa Boracay pina-iimbestigahan

Posted February 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for fake“May Special at Fake Permit transport"

Ganito kung ilarawan ni SB Member Floribar Bautista ang ilang single motorcycle sa isla ng Boracay matapos nitong makakuha ng mga impormasyon na may ganitong kaso sa isla.

Sa 8th Regular SB Session ng Malay nitong Martes, sinabi ni Bautista na marami na ang pumapasok na motorsiklo sa Boracay.

Ipinagtataka din nito kung saan nagmumula ang mga nasabing special at pekeng permit for transport ng mga single na motor.

Dahil dito pinapapa-imbestigahan ni Bautista sa Committee on Governance ang nasabing pamemeke  at kung sino ang nasa likod nito na maaari umanong maharap sa subordination.

Kaugnay nito sinabi naman ni SB Member at Chairman ng Committee on Transportation na si Leal Gelito na may nahuli na rin noong nakaraang administrasyon dahil sa nasabing pamemeke.

Samantala, maliban dito inaalam na rin ngayon ng konseho kung ilan lahat ang single motorcycle sa Boracay na mayroong mga permit.

No comments:

Post a Comment