Wednesday, February 24, 2016

Session ng SP ngayong araw kinansila dahil sa conference sa Maynila

Posted February 24, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Kinansala ngayong araw ng Miyerkules ang ika-7th (SP) Regular Session sa Aklan dahil sa isang Board member conference sa Maynila.

Ayon sa Sangguniang Panlalawigan Office sa Aklan, buong konseho ang dumalo sa naturang conference na ginanap sa Manila Hotel.

Ang nasabing conference ay para sa lahat ng mga miyembro ng Provincial Board Member Lead Philippines o (PMLP) sa buong bansa.

Dahil dito, nakabinbin ngayon ang mga usapin sa probinsya at inaasahang pag-uusapan sa susunod na Session sa Miyerkules.

No comments:

Post a Comment