Thursday, February 25, 2016

Comelec, PNP at AFP nakatakdang magsagawa ng unity walk at covenant signing bukas

Posted February 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for comelec covenant signingNakatakdang magsagawa ng unity walk, covenant signing at candle lighting ang Commission on Elections, PNP at AFP bukas sa probinsya ng Aklan sa St. John the Baptist Cathedral, Kalibo ng ala-6:30 ng umaga.

Ito ay bilang pagbibigay importansya sa covenant at ang papel ng mga kandidato para makamit ang isang mapayapa at maayos na halalan sa May 2016.

Ang nasabing aktibidad ay dadaluhan ng ibat-ibang political candidate mula sa provincial at municipal level, PPCRV, PIA, KBP, at Aklan Press Club.

Kaugnay nito ipinahayag naman ni Police Senior Superintendent John Mitchell Jamili, OIC, Aklan PPO na ang pangunahing prayoridad ng pwersa ng mga pulis sa probinsya ay matamo ang Safe and Fair Elections (SAFE).

Samantala, sinabi pa ni Jamili na ang umaasa lang ang COMELEC sa local police at military personnel para maging mapayapa ang darating na eleksyon at maayos.

No comments:

Post a Comment