Posted February
24, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ito ay nakapaloob sa Incoming and Referral kung saan ng
request ang Air Juan company ng SB endorsement para sa naturang operasyon.
Dahil dito ini-refer muna ni Vice Mayor Welbec Gelito sa
Committee on Laws and Ordinance ang naturang request para pag-aralan.
Ang seaplane Jetty ay tila isang private helicopter na
hindi lang puweding e-operate sa himpapawid kundi pwedi rin sa karagatan kung
saan karamihan sa mga ito ay sa mga pantalan lumalanding o dumadaong.
Samantala, matatandaang ipinagbawal na rin ng Sangguniang
Bayan ng Malay ang pag-operate ng dalawang helicopter sa Boracay matapos ang
petisyon ng mga residente at stakeholders dahil sa inililikha nitong ingay sa
pag-operate sa loob mismo ng isla.
No comments:
Post a Comment