Posted February 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muli na namang napabilang ang isla ng Boracay sa
pinakamagandang travel destination sa buong mundo ngayong taong 2016.
Ito ay base sa inilabas na listahan ng Conde Nast
Traveler na siyang nagsagawa ng naturang survey.
Sa sampung pinakamagandang destinasyon sa buong mundo na
nakapasok sa listahan tanging ang isla ng Boracay sa Pilipinas ang nakapasok
rito kung saan nakuha naman nito ang ikatlong puwesto.
Nanguna naman sa listahan ang Cuba; Pangalawa ang Quito, Ecuador;
Pang-apat ang Lisbon Portugal; Ika-Lima ang Ireland; sumunod ang Zanzibar,
Tanzania; Ika-Pito ang Nepal, Pang-Walo ang Iran, Ika-siyam ang Reo De Janeiro,
Brazil; at Pang-sampu naman ang Barbuda, Caribbean.
Nabatid na kinilala ang Boracay dahil sa malapulbos na
buhangin nito, masasarap na kainan, ibat-ibang island activities, mga spas at
ang night life.
No comments:
Post a Comment