Monday, February 22, 2016

Dalawang Koreano, binugbog ng mga kapwa Koreano

Posted February 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for police blotterInireklamo ng dalawang Koreano ang kapwa ring dalawang Korean national matapos silang pagtulungang bugbugin sa isang Bar sa Brgy. Balabag isla ng Boracay kaninang madaling araw.

Sumbong ng biktimang si Dong Wook Oh 28-anyos at Hyun Yeob Kang 22-anyos sa Boracay PNP Station.

Nagkaroon umano sila ng mainitang diskusyon na nauwi sa away sa mga suspek na kinilalang sina Byun Heoon Kim 35-anyos at Sueng Il Lim 34-anyos.

Dito ay pinagtulungan umano silang bugbugin ng dalawa na nagresulta ng sugat sa kanilang ibat-ibang parti ng katawan.

Pinagharap naman ng mga pulis ang dalawang kampo kung saan hindi kalaunan ay nauwi naman sa pag-aayos matapos ang nangyaring insidente.

No comments:

Post a Comment