Monday, February 22, 2016

BRTF, tinukoy na problema sa pulitika ang sanhi ng ilang problema sa turismo

Posted February 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pulitika umano ang sanhi ng ilang problema sa turismo partikular sa isla ng Boracay.

Ito ang sinabi ni Exec Assistance 5 Office of the Mayor at BRTF Secretariat Mabel Bacani sa panayam ng himpilang ito.

Ayon kay Bacani kailangan ihanda natin ang sarili para sa kultura ng turismo upang malagpasan ang problema na dulot ng kultura ng politika.

Ipinunto pa nito na ang totoong problema talaga ay pulitika kaya kalahati lang sa mga dapat matapos ang naging epektibo dahil kalahati dito ay na impluwensyahan na ng pulitika.

Sinabi pa nito na kailangang makiaalam na umano sila sa mga tao para sila ay maging legal.

Samantala, ibinahagi rin ni Bacani ang ibat-ibang problemang kinaharap ng Boracayna ngayon ay unti-unti ng nabibigyan ng solusyon lalo na pagdating sa mga infrastructure project.

No comments:

Post a Comment