Posted February 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinaalalahan ni DTI Provincial Director Diosdado Cadena
ang mga nagbebenta ng petroleum products na gumagamit ng delikadong mga
lalagyan na maaari silang managot sa batas.
Ayon kay Cadena, illegal umano ang pagbebenta ng gasolina
o gas na inilalagay sa mga plastic bottles at plastic container dahil isa umano
itong paglabag sa department circular number 2003-11-101 ng Department of
Energy (DOE).
Iginiit ni Cadena, na hindi dapat baliwalain ang pagbebenta
ng petroleum products dahil isa itong delikadong pamamaraan na maaaring
makaapekto sa buhay ng isang tao kung saan malapit ito sa disgrasya na
posibleng lumikha ng sunog.
Samantala, ayon pa kay Cadena, maaari umanong gamitin ng
Bureau of Fire Protection, Philippine National Police at Local Government Unit ang
nasabing circular sa pagsugpo sa mga nagbebenta ng tingi-tinging gasolina sa brgy.
at mga malalayong bayan.
No comments:
Post a Comment