Posted February 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naging matagumpay ang isinagawang Peace covenant ng Comelec
Aklan kasama ang PNP at AFP sa St. John the Baptist Cathedral sa bayan ng
Kalibo kahapon.
Ito ay sa pakikipagtulungan din sa ibat-ibang
organisasyon na kinabibilangan ng Parish Pastoral Council and Responsible Voting,
KBP-Aklan Chapter, PIA, Aklan Press Club at Diocese of Kalibo.
Nagpakita naman ng pagkakaisa sa nasabing covenant signing
ang dalawang grupo ng mga kandito sa provincial level kung saan nagkamayan ang
mga ito sa pangunguna ni Congressman Teodorico Haresco at ang kalaban nitong si
former Governor Carlito Marquez gayon din sa Governatorial candidate na sina Governor
Miraflores at former Banga Mayor Antonio Maming.
Kasabay naman sa kanilang paglagda sa nasabing covenant
na sila ay sasang-ayun sa kanilang sinumpaan kabilang na ang pag-focus sa
kanilang plataporma sa pamahalaan at ang pag-iwas sa pag-atake sa personal na
buhay ng kanilang kapwa kandidato sa kasagsagan ng campaign period.
Kabilang din dito ang pag-iwas sa vote buying, pananakot,
pagsunod sa ipinagbabawal na sobra-sobrang paggastos sa pangangampanya,
pagiging accountable para sa aksyon ng kanilang election/campaign leaders at
lalo na ang pagtanggap o pagrespito sa magiging resulta at desisyon ng mga tao
sa eleksyon sa May 9, 2016.
Samantala, kabilang sa mga dumalo sa nasabing Unity Walk
at Covenant signing ay ang mga kandidato sa bayan ng Altavas, Balete, Banga,
Ibajay, Kalibo, Lezo, Makato, Malinao, Nabas, New Washington at Numancia.
No comments:
Post a Comment