Posted February 26, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ikinasa sa araw
ng Linggo ang gaganaping Peace Covenant Signing ng Malay sa St. Joseph the
Worker Parish Church simula alas-7:30 ng umaga.
Ayon kay Malay
PSI Frensy Andrade, ito umanong Peace Covenant Signing ay isang panunumpa para
sa mga tatakbong kadidato sa May 9, 2016 election.
Ang nasabing
aktibidad ay dadaluhan ng mga kandidato mula sa Mayor, Vice-Mayor hanggang sa pagka-Sangguniang
Bayan candidate.
Sinabi naman ni
Andrade na malaking bagay ang nasabing Covenant Signing para sa mga kandidato
dahil isa rin itong pagtiyak para sa mapayapang halalan.
Samantala, nag-paalala
naman si Andrade sa mga kandidato na huwag masyadong dibdibin ang magiging
resulta ng eleksyon at sumunod sa mga rules and regulation para sa mapayapang
eleksyon.
Ang Unity Walk at
Covenant Signing sa Linggo ay pangungunahan ng Commission on Election ng Malay
katuwang ang Malay National Police.
No comments:
Post a Comment