Wednesday, February 24, 2016

Budget ng LGU Malay para sa taong 2016 binusisi ni SB Bautista

Posted February 24, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for BUDGETMalapit ng matapos ang buwan ng Pebrero pero hindi parin natatapos ang deleberasyon sa budget ng Local Government Unit ng Malay para sa taong 2016.

Sa ginanap na 8th regular SB Session ng Malay kahapon ay iprinisinta rito ang nasabing budget na nagkakahalaga ng P400 Milyon pesos.

Dito ipinakita sa mga konsehales ang paghati sa nasabing budget para sa bawat departamento at ibat-ibang proyekto na pagagamitan kabilang na ang budget para sa Security Services na may halagang mahigit sampung milyong peso at General Services na mahigit anim na milyong peso.

Sa kabila nito binusisi bawat isa ni SB Bautista ang naturang mga budget sa bawat departamento at kung saan paggamitin.

Ang nasabing budget ay nakabinbin pa ngayon sa 2nd reading at tatalakaying muli sa susunod na SB Session sa araw ng Martes sa pangunguna ni SB member at Chairman ng Committee on laws at Budget na si Rowen Aguirre.

No comments:

Post a Comment