Posted February 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
filipino.cri.cn |
Pumukaw ng atensyon sa media ang ibinunyag ni Bishop Jose
Corazon Tala-oc, ng Diocese of Kalibo sa umanoy pag-aproba sa operasyon ng
Casino sa isla ng Boracay.
Ito ang naging mensahe ni Tala-oc kasabay ng isinagawang
covenant signing ng Comelec, PNP at AFP kahapon sa St. John the Baptist
Cathedral sa bayan ng Kalibo kasama ang PPCRV, KBP, PIA, Aklan Press Club at
Diocese of Kalibo.
Ayon kay Tala-oc may natanggap umano siyang impormasyon
na inaporbahan na ng mga kinauukulan sa bayan ng Malay ang naturang Casino na mag-ooerate
sa isang malaking resort sa isla.
Nabatid na mariin ang ginagawang pagtutol ng simbahang
katoliko sa anumang klase ng gambling o sugal.
Dahil dito hinamon naman ni Bishop ang mga pulitiko na
dumalo sa nasabing covenant na kung maaari ay huwag suportahan ang operasyon ng
Casino sa Boracay para na rin sa kinabukasan ng mga kabataan.
Ang nasabing covenant signing ay pinangunahan ng lahat ng
mga kandito sa Aklan bilang pagtalima sa Safe and Fair Elections (SAFE) sa
darating na eleksyon sa Mayo na sinabayan naman ng unity walk at candle
lighting.
Samantala, kinumpirma naman ni Priest Moderator Fr. Jose
Tudd Belandres ng Our Lady of The Most Holy Rosary ng Balabag Boracay na siya
ang nag-paabot kay Tala-Oc ng naturang impormasyon, ngunit tumanggi muna itong
magbigay ng kabuuang detalye dahil pag-uusapan pa umano nila ang kanilang
susunod na hakbang para rito.
No comments:
Post a Comment