Tuesday, February 23, 2016

Boracay pasok sa 25 Best Beaches Around the World 2016 ng QANTAS

Posted February 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for boracay islandPatuloy ngayong namamayagpag ang isla ng Boracay sa buong mundo.

Katunayan pasok ang isla sa ika-16 na puwesto sa 25 Best Beaches Around the World 2016 ng QANTAS.

Nabatid na ang Qantas ay isang Airways flag carrier airline ng Australia at ito ang largest airline na may fleet size, international flights at international destinations na kumikilala rin sa kagandahang ng ibat-ibang destinasyon sa buong mundo.

Kinilala ng Qantas ang Boracay dahil sa angking kagandahan nito sa pamamagitan ng puting buhangin, mala crystal na tubig at masayang night life.

Samantala, ilan sa nakapasok sa top 25 ang Wineglass Bay sa Tasmania East Coast, Cayo Lago sa Cuba, Maya Bay sa Thailand, Rabbit Beach sa Lampedusa at ang powdery sand ng Eagle Beach.

No comments:

Post a Comment