Tuesday, February 23, 2016

Dahil sa isinanlang damit, construction worker sinuntok ang katrabaho

Posted February 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for police blotterDuguan ang bibig ng construction worker ng mag-sumbong sa mga pulis matapos itong suntukin ng katrabo dahil sa isinanlang damit sa isang hotel sa Manoc-manoc, Boracay.

Sa report ng Boracay PNP, nakilala ang biktima na si Renan Henerana 33-anyos at ang suspek na si Regie Molero 27-anyos kapwa conruction worker.

Napag-alaman na nagalit umano ang suspek sa biktima dahil nakita nitong suot-suot ang iprenindang damit sa kanyang pinsan.

Dahil dito, nagkaroon ng mainitang diskusyon at hindi pagkakaintindihan ang dalawa dahilan para suntukin ng suspek ang biktima sa kanyang kaliwang bibig ngunit sa kasamaang palad ay hindi narin pinabalik pa ang mga ito sa kanilang pinagta-trabahuhan dahil sa kanilang nagawang kasalanan.

No comments:

Post a Comment