Thursday, February 25, 2016

Lalaki, ini-reklamo ng estafa ng isang tindira sa Boracay

Posted February 25, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for estafa
Ini-reklamo ngayon sa Boracay PNP Station ang isang lalaki ng estafa matapos nitong hindi mabayaran ang kanyang inutang na pera.

Nakilala ang nagrereklamong si Maricel Rebatis 38-anyos isang tindira at nakatira sa Sitio Hagdan Brgy.Yapak, Boracay habang ang suspek ay kinilala sa pangalang Geraldo dating time keeper sa isang construction site sa isla.

Nabatid na noong Nobyembre pa umano nangutang ang suspek kay Rebatis na nagkakahalaga ng P15, 000 at nangako itong babayaran nalang pagdating ng kanyang thirteen month pay.

Para masiguro na mabayaran ay isinangla umano ng suspek ang kanyang ATM card sa kanya bilang isang collateral.

Ngunit laking gulat umano nito na naka-blocked na ang ATM ng suspek na kanyang ginamit para makautang kung saan hindi rin mahagilap ang suspek.

No comments:

Post a Comment