Wednesday, February 24, 2016

Babaeng wanted sa kasong Parricide, kulong sa Boracay PNP

Posted February 24, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongKulong ngayon ang isang babae na matagal ng pinaghahanap ng mga pulis matapos itong mahuli sa isang spa sa Brgy. Balabag, Boracay kahapon.

Nakilala ang suspek na si Leonida Gestiada 41-anyos residente ng Zambuanga del Norte at temporaryong nakatira sa Sitio Bung-aw Brgy. Manoc-manoc Boracay.

Sa pinagsamang pwersa ng Malay PNP at Boracay PNP na-aresto ang suspek na may kasong Parricide o pagpatay umano sa kanyang sariling pamilya.

Wala namang itinalagang piyansa si Hon. Dominggo Casipe Jr. presiding judge of regional trial court 6 judicial region branch 7 Kalibo, Aklan sa nasabing suspek.

Sa ngayon, ay pansamantalang naka-kulong ang suspek sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) para sa kanyang karampatang disposisyon.

No comments:

Post a Comment