Tuesday, February 23, 2016

DOH, maglalaan ng P40 Milyon na pondo para sa DRSTMH

Posted February 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for DRSTMHMaglalaan ang Department of Health o (DOH) ng P40 Milyon na pondo para sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital (DRSTMH) sa bayan Kalibo.

Ito ay gagamitan umano para madagdagan at ma-upgrade ang mga kagamitan ng ospital para sa mga nangangailangang pasyente.

Sa panayam ng himpilang ito kay Chief of Hospital II Paul Macahilas, nagbigay din umano noong nakaraang taon ang DOH ng pondong P48 Milyon na ipinagbili ng CT Scan Mechanical, Mammogram at Ventilators.

Nabatid na ang P40 Milyon na idadagdag ay para sa ibat-ibang kagamitan pa na bibilhin kagaya ng operation tables, ventilators, incubator, gas sterilizer, patient monitor, suction, stretcher at marami pang iba.

Dahil dito, umaasa naman si Macahilas na magiging maganda at mapadali na ang pagpapagamot ng mga pasyente sa Kalibo dahil sa pinabago at upgraded na kagamitan ng naturang ospital.

No comments:

Post a Comment