Posted January 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Wala na ngayong kapangyarihan ang dalawang private helicopters
na lumipad sa isla ng Boracay matapos pagbawalang mag-operate.
Ito’y makaraang magkaroon ng resolusyon ang Sangguniang
Bayan ng Malay na nirerekomenda sa opisina ng alkalde na ihinto o ipatigil ang
operasyon ng Asean Aerospace at Lion Air sa isla ng Boracay.
Sa pangunguna ni SB Member Rowen Aguirre bilang Chairman
ng Committee on Laws ay napag-desisyonan nitong i-draft ang naturang resolusyon
kung saan bawal ng mag-operate ang dalawang helicopter matapos ang ilang
pag-aaral.
Samantala, ang pagpapatigil na mag-operate sa dalawang
kumpanya sa isla ay sinang-ayunan naman ng konseho sa ginanap na 4th
Regular SB Session kahapon.
Maalalang umani ng ibat-ibang reaksyon mula sa mga
residente at stakeholders sa Boracay ang operasyon ng dalawang helicopter sa
isla dahil sa nililikha nitong ingay kung saan sinasabing mababa umano ang
lipad nito at paikot-ikot sa loob lamang ng Boracay.
Ang private helicopters ay inuupahan ng mga turista
patungo sa ibang lugar kagaya ng Palawan at Manila gayon din bilang
pang-emergency transport.
No comments:
Post a Comment