Wednesday, January 27, 2016

Tindahan ng Cellphone sa Boracay pinasok ng mga hold-upper

Posted January 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Kulong na ngayon ang dalawang suspek na nanghold-up sa isang tindahan ng cellphone sa station 1 Boracay kagabi matapos na mahuli sa isinagawang manhunt operation ng mga pulis.

Sumbong ng biktimang si Almar Tupas 35-anyos sa Boracay PNP, bigla na lamang umano silang pinasok ng dalawang lalaki na armado ng baril at sabay tutok at diklara ng hold-up sa kanya at sa mga kasamang staff.

Dito, kinuha umano ng mga suspek ang pera sa kahera at binasag ang crystal cell phone stand at pinagkukuha ang mga ibinibintang cellphone sabay takas papuntang Bolabog area.

Mabilis namang nagsagawa ng manhunt operation ang mga pulis matapos matanggap ang report kung saan agad namang nahuli ang dalawang suspek na sina Ruel Zonio 40-anyos residente ng Purok-1 C Lazerna St. Kalibo, Aklan at Randy Ventura 22-anyos ng Brgy. Guanco, Balete, Aklan.

Nakuha naman sa dalawa ang limang unit ng cellphone isang charger at isang headset at perang nagkakahalaga ng P16, 000 at mga baril na kinabibilangan ng isang caliber 380 na may chamber loaded, dalawang magazine na may tatlong ammunitions at isang 10 inches na kutsilyo.

Ang dalawa ay nakakulong na ngayon sa Boracay PNP habang inaantay kung magsasampa ng kaukulang kaso ang may-ari ng tindahan na kanilang nilooban.

No comments:

Post a Comment