Thursday, January 28, 2016

DOT 6 Regional Director Catalbas, nanguna sa pag-welcome sa MS Millennium sa Boracay

Posted January 28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Pinangunahan mismo ni Department of Tourism Regional Director Helen Catalbas ang pag-welcome sa pagdating ng MS Celebrity Millennium sa Boracay kahapon ng umaga.

Ito’y matapos isang maiden call ang isinagawa ng Aklan Government, DOT at LGU Malay sa pagitan ng Celebrity Cruises na kumpanyang may hawak ng naturang cruise ship.

Sakay ng barko ang turista mula sa mahigit tatlumpung bansa sa Europa kung saan tinatayang umabot ito sa dalawang libong pasahero.

Karamihan naman sa mga staff at crew nito ay mga Pinoy kung saan nagkaroon naman ng tiyansa ang kanilang mga mahal sa buhay na umakyat ng barko para makita ang kanilang kaaanak na nagtratrabaho sa napakaling cruise ship.

Pinasalamatan din ni Catalbas ang pagbisita ng naturang barko sa isla na nagdala ng maraming pasahero upang maranasan ang kagandahan ng isla ng Boracay.

Sa kabilang banda dadaong din ngayong alas-10 ng umaga ang MS Nautica sa Boracay sakay ang tinatayang anim na raang pasahero kung saan isang plaque exchange din ang magaganap sa loob ng naturang barko.

No comments:

Post a Comment