YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 25, 2016

36MW wind project malaki umanong tulong sa isla ng Boracay

Posted January 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo by Vannessa Peralta
Malaki umanong tulong para sa isla ng Boracay ang 36-megawatt Nabas Wind Project dahil sa malaking demand ng suplay ng kuryente sa isla kung saan 24-oras ang operasyon ng mga negosyo.

Dahil dito, pormal ng sumailalim sa inauguration ang nasabing proyekto nitong Enero 16 na pinangunahan mismo ni Senate President Franklin Drilon kasama si Energy Regulatory Commission (ERC) commissioner Josefina Magpale-Asirit, Department of Energy (DOE) undersecretary Donato Marcos, former TESDA Secretary Joel Villanueva, Aklan Congressman Ted Haresco at Gov. Joeben Miraflores.

Matapos ang nasabing inagurasyon ay sinundan naman ito ng groundbreaking ceremony para sa planong pagpapatayo ng tourist center at view deck na magbibigay ng oportunidad sa pamamagitan ng livelihood sa brgy. kung saan makikita ang wind mill.

Ang wind power plant ay sinumulang mag-operate noong Hunyo 2015 na itinayo sa Pawa Nabas hanggang sa Brgy. Napaan sa bayan ng Malay kung saan nitong nakaraang linggo lamang isinagawa ang pormal na inagurasyon.

No comments:

Post a Comment