Tuesday, January 26, 2016

Validation sa Yellow Submarine, pinag-usapan sa Session ng BRTF

Posted January 26, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Pinag-usapan na ngayong hapon sa isinagawang meeting ng Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) ang tungkol sa ginawang validation sa Yellow Submarine sa Boracay.

Ito ay pinangunahan ni BRTF Chairman at Island Administrator Glenn Sacapaño.

Kabilang naman sa mga dumalo ay ang mga kasapi ng Philippine Coast Guard, Department of Environmental and Natural Resources (DENR) Engineering at Zoning Department at iba pang concern agencies na kasama sa ginawang validation noong Enero 22.

Dito, ibinahagi ng mga dumalo ang kanilang mga naging opinyon sa naranasang pagsakay sa nasabing submarine at kung pabor ba ang mga ito na mag-operate sa isla.

Ayon naman kay BRTF Secretary Mabel Bacani, ang nasabi umanong submarine ay pang-edukasyon para sa mga turistang sasakay nito.

Samantala, patuloy pa ngayong pinag-aaralan ng BRTF ang nasabing submarine kung saan sasailalim pa ito sa ilang delebrasyon bago mapag-desisyon kung maaaprobahan o hindi.

No comments:

Post a Comment