Posted January 28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isa na namang cruise ship ang nasilayan sa isla ng
Boracay ngayong araw.
Ito’y matapos dumaong kaninang alas-10 ng umaga ang MS Nautica
ng Oceania Cruises na may sakay na 600 turista.
Dahil dito isang maiden call ang magaganap para sa
isasagawang plaque of exchange kung saan aakyat sa naturang barko ang ilang
government officials mula sa probinsya, Department of Tourism, media at iba
pang stakeholders para sa maikling programa ngayong alas-3 ng hapon.
Ilang oras namang mag-iikot ang mga sakay nitong pasahero
sa isla ng Boracay na karamihan ay mula sa mga bansa sa Europa.
Sa kabilang banda muli namang babalik bukas ang MS Costa
Victoria ng Costa Crociere kung saan tinatayang may sakay itong mahigit sa
dalawang libong pasahero.
Ang MS Nautica ang ikalawang cruise ship na dumaong sa
Boracay ngayong taon matapos nitong sundan ang MS Celebrity Millennium na
dumaong naman kahapon sakay ang 2,138 pasahero.
No comments:
Post a Comment