Monday, January 25, 2016

Chinese national, patay matapos malunod sa Boracay

Posted January 25, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for nalunodWala ng buhay ang isang turistang Chinese national matapos itong malunod sa station 3 Boracay.

Sa report ng Boracay PNP, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang clinic sa isla na may isa umanong biktima ng pagkalunod ang isinugod sa kanilang pagamutan.

Dito agad na pinuntahan ng mga pulis ang lugar para magsagawa ng imbestigasyon kung saan nakilala ang biktimang si Chen Xing Tong 67- anyos temporaryong nakatira sa isang hotel sa isla.

Napag-alaman na kasama ng biktima ang kanyang pamilya ng maganap ang insidente habang nagsasagawa sila ng island hopping activity sa Angol Point snorkeling area para maligo at mag snorkle at doon umano napansin ng apo nitong lalaki na tila nahihirapang huminga ang biktima.

Dahil dito, mabilis niya itong inahon kasama ang captain at crew staff ng kanilang kinuhang activity at agad na dinala sa malapit na pagamutan ngunit pagkalipas ng ilang minuto na pagsasailalim sa CPR ay agad din itong binawian ng buhay.

Napag-alaman na ang ikinamatay ng biktima ay 'Acute Respiratory Distress Syndrome secondary to drowning base sa pagsusuri ng doktor.

No comments:

Post a Comment