Posted January 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi na umano mahihirapang tumawid ang mga pasyente sa
mainland mula sa Boracay para magpagamot sa sandaling matapos ang construction
at renovation project ng Boracay Hospital sa kalagitnaan ng taon.
Ito ang sinabi ni Aklan Provincial Health Officer II Dr.
Victor Sta. Maria, kung saan hinahabol na umanong matapos ngayon ang
construction ng Phase 1 kung saan may budget itong P40 Milyon mula sa
Department of Health (DOH) 6.
Maliban dito kasalukyan na rin umano ngayong nagsisimula
ang Phase 2 na may budget namang P23 Milyon at Phase 3 na may budget ring P60
Milyon kasama na ang mga equipment.
Dagdag ni Sta.Maria nais na niyang masimulan agad ang
operasyon ng naturang pagamutan kahit OPD lang muna upang hindi na mahirapan
ang mga pasyenteng pumunta sa malayong pagamutan.
Sinabi pa nito na masyado umanong malaki ang budget ng
nasabing hospital kung kayat natatagalan din ang nasabing construction dahil na
rin sa masyadong mahal ang mga materyales sa isla.
Ang Boracay hospital o Don Ciriaco Tirol Hospital ay
palalagyan ng ibat-ibang health equipment karagdagan personnel staff at
gagawing tatlong palapag bilang tugon sa mga nangangailan ng tulong medikal sa
Boracay hindi lang sa mga residente kundi pati na rin sa mga turista.
No comments:
Post a Comment