Tuesday, January 26, 2016

MS Celebrity Millennium magdadala ng mahigit dalawang libong turista sa Boracay bukas

Posted January 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for MS Celebrity MillenniumTinatayang dalawang libo, isang daan at tatlumput walong turista ang dadalhin ng MS Celebrity Millennium sa pagdaong nito sa isla ng Boracay bukas.

Ganap na alas-8 bukas ng umaga inaasahan ang pagdaong ng isa sa malalaking cruise ship sa mundo sa Cagban Port.

Alas-9 naman ng umaga magaganap ang plaque of exchange sa pangunguna ng Aklan Government, Department of Tourism, LGU Malay at iba pang government agencies sa loob ng barko sa pagitan ng kumpanya ng Celebrity Cruises na siyang may hawak ng naturang barko.

Nabatid na ito ang kauna-unahang pagbisita ng MS Celebrity Millennium at ang kauna-unahang cruise ship na dadaong sa Boracay ngayong 2016.

Maliban dito dadaong din sa araw ng Huwebes ang MS Nautica ng Oceania Cruises na may sakay na 600 turista sa Boracay kung saan isang maiden call din ang inaasahang mangyayari.

Ang dalawang barko ay kabilang sa Labin-isang cruise ship na dadaong sa Boracay ngayong taong 2016.

No comments:

Post a Comment