Wednesday, January 27, 2016

Budget ng LGU Malay para sa 2016 hindi pa aprobado

Posted January 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for budgetNakabinbin parin ngayon kung magkano ang Annual budget na makukuha ng Local Government Unit ng Malay para sa taong 2016.

Sa ika-4th Regular SB Session ng Malay kahapon ng Martes, tinalakay ni SB member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre ang nasabing budget na nakapaloob sa Committee report.

Napag-alaman na ito ay isinalang sa Committee on Budget and Appropriation tungkol sa nasabing Annual Budget kung saan kailangan munang matukoy ang mga paggamitan nito.

Nabatid na bago ibigay ang naturang budget sa LGU ay dapat mailahad muna kung anong mga proyekto at programa ang paggamitan nito sa loob ng isang taon.

Ang naturang usapin ay muling pag-uusapan ng konseho sa susunod na SB Session ng Malay.

No comments:

Post a Comment