Tuesday, January 26, 2016

Requirements para sa Business Permit, dinagdagan ngayong renewal

Posted January 26, 2016 
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for requirementsDinagdagan umano ngayon ng Local Government Unit ng Malay ang requirements para sa renewal ng mga Business Permit.

Ayon kay Licensing Inspector II, Addy De Vicente, ang pagdagdag ng bagong requirements ay para sa mga magre-renew at mga bagong mag-ooperate ng kanilang negosyo sa isla.

Kinakailangan umano sa nasabing requirements ang SSS at PHILHEALTH naman para sa mga empleyado na magtatrabaho sa kahit anumang kumpanya ang kanilang papasukan.

Nabatid na ngayong buwan ng Enero nagsimula ang pag-renew ng mga Business permit at magtatapos nitong Pebrero 20, 2016.

No comments:

Post a Comment