Wednesday, January 27, 2016

Paraw tumaob dahil sa sobrang lakas ng hangin at alon sa Boracay

Posted January 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for paraw sa boracay
Masuwerting nakaligtas ang tatlong crew ng isang Paraw sa Boracay matapos itong tumaob dahil sa sobrang lakas ng alon at hangin kaninang alas 9:30 ng umaga.


Ayon kay PO1st Condrito Alvarez galing sa karagatang sakop ng Brgy. Argao sa Malay ang naturang Paraw at papunta sanang Station 3 Boracay para sana sa isang aktibidad.

Ngunit dahil umano sa lakas ng hangin ay hindi ito nakayanang mainubrahin ng tatlong crew na siyang naging dahilan para agad itong lumubog.

Nasagip naman umano agad ang mga ito ng Maritime Police na malapit lamang sa lugar dahil sa ginagawang seguridad sa dumaong na cruise ship sa Boracay.

Ang tatlong biktima na sakay ng Paraw ay nasa maaayos namang kalagayan habang ang naturang sasakyan ay dinala naman sa ligtas na lugar sa area ng Bangkiruhan sa Manoc-Manoc.

Samantala, sinabi naman ni Alvarez na kung sobra talagang masama ang lagay ng panahon sa  karagatan ay inaabisuhan nila ang mga water sports association na itigil muna pansamantala ang aktibidad lalo na ang maliliit na bangka.

No comments:

Post a Comment