Wednesday, January 27, 2016

Bangka nagtamo ng kasiraan matapos hampasin ng malakas na alon

Posted January 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for bangka sa caticlan
Nagtamo ng butas ang isang bangkang de-pampasahero sa Caticlan Jetty Port matapos itong hampasin ng malakas na alon alas-7 kagabi.

Ayon kay Petty Officer Pablito Dela Cruz ng Philippine Coastguard Caticlan, nakadikit umano ang bangka sa reclamation ng bigla itong hampasin ng malakas na alon at hangin kung saan nabunggo ito sa bato.

Nabatid na wala naman umanong sakay na pasahero at crew ang naturang bangka kung saan nakadaong na rin umano ito.

Samantala, nasa ayos na rin ngayon ang bangka matapos itong hilain ng iba pang mga bangka papunta sa ligtas na lugar upang hindi mapasukan ng tubig ang nabutas na bahagi nito.

No comments:

Post a Comment